Wednesday, May 4, 2011

Unang 5 bagay na hindi dapat gawin pag magset Up ka ng aquarium

1.Ang hindi pagbili ng sapat na laki ng aquarium.

Itaas and kamay kung iniisip mo na sana malaking aquarium ang binili nung nagsismula ka palang mag aquarium? Ito kasi ang nangyayari. Gusto mo ng aquarium at you decide na gusto mo halimbawa (25 gals) at inisip mo na tama nay un at sobrang laki na o tama na ang laki para sa mga gusto mong alagaan na mga isda, At pagkatapos nagsimula ka magset up, tapos marami kang naisip ilagay, tsaka mo marealize (ay ang napakaliit pala?) so kulang diba?  So tendency bibili ka ulet mas malaking aquarium, at ito nanaman narealize mo mo ulet na maliit parin, so bumili ka ulet. Kaya marami sa atin ay mayroong MTS (Multiple Tank Syndrome). Pwede natin tong maiwasan kung uunahin natin maghanap ng isang lugar kung saan natin pwede ilagay ang pinakamalaking aquarium na posibleng magkasya sa bahay natin. Para sa atin na marami ng aquarium, wala nang lunas yan mag breed nalng tayo para may pakinabang yung mga fish tanks pwede gamitin as grow out tanks? Pero ito lang masasabi ko welcome kayo dito sa pinoy pet finder online community para makipaghalobilo sa aming mga may MTS. 

2. Huwag mag madali

Isang araw napanuodmo  yung Finding Nemo tapos bigla mo naisip na gusto mo ng mga isda na katulad nina Dory and Nemo. Kaya ang ginawa mo ay pumunta sa PET SHOP or LFS( Local Fish Store) para bumili ng aquarium pero hindi dapat ganun hindi magiging maayos kapag pabigla bigla ka. Isa pang halimbawa, gusto mo ng aquarium, so ayun pumunta ka sa LFS at binili mo yung COMBO package na complete set up na tanke. Nagsimula kamag lagay ng isda na nakita mo sa LFS mo na sa tingin astig sa ganda. Pero yung mga tao sa LFS nyo hindi ka man lang tinuturuan at nabili mo mga isdang hindi pwede pag samahin naku po matira matibay o baka mas malala kung yung nabili mong isda ay pang  Salt water at nilagay mo sa fresh water na aquarium. Dedo.
Wag madaliin magresearch muna tayo. Hindi lang kayo makakatipid sa pera kundi mas mabibigyan nyo pa ng tamang alaga ang mga isdang aalagaan mo at tasaka maiiwasan mo pa yung MTS. Tingnan mo diba parang chain reaction lang. The pinaka mainam ay ang mag basa READ AND READ. At pagkatapos nyo magbasa o mag research magbasa parin ng magbasa. At syempre wag mag atubiling mag tanung sa mga expert sa on line community forum.

3.huwag kang gaya gaya puto maya

gusto mong maging isa sa mga taong may mga astig na isda sa mga forums. Pero ang gusto nila ay hindi ibig sabihin na gugustuhin mo rin diba? Alalahanin mo na ang aquarium mo ay para sa Enjoyment mo para may ipamahagi kang kwento ukol sa pag-aalaga mo ng isda. Pero syempre kung gusto mong manalo ng TANK OF THE MONTH eh ibang usapan na yan.
Halimbawa nung newbie palang ako sa pagaalaga ng cichlids at pagaaquarium di ko alam alam na may water quality pa palang dapat ko munang malaman as in wala akong alam basta nalang ako nag alaga, yung mamahalin pa talaga na moori. Gusto maging astig eh so ayun dedo saying pera ko. 
.
4.Pagiging matipid sa mga gamit pang aquarium (WAG KURIPOT)

Ang pagaalaga ng isda ay hindi isang Cheap na hobby. Expensive to tsong. Lalo na kung salt water ang trip mo. pero lahat ng hobbyist naman alam na di dapat magtipid sa gamit pang aquarium. BAKIT? Kasi 10 out of 10 times gugustohin mo ng mas magandang gamit pagkatapos mong bumili ng cheap na gamit doble gastos lang tuloy. Gugustohin mo rin bumili ng equipment na overated  para s aquarium mo (mas malaking filter). Yung cabinet ko punu ng mga gamit na mga pinagpalitan yung iba binenta  ko nalang.


5. Ang Pagbili ng Maling isda (Wag biling bili basta basta)

Ang pagbili ng maling isda ay isang malaking pagkakamali. Una saying pera at isa pa nilagay mo ang buhay ng isda sa isang panganib. Ang pagbili ng maling isda at paglagay nito sa maling tirahan, mga kasamang isda ay stressful sa isda. Kailangan mo alalahanin na responsibilidad natin at ng ating alaga, kailangan natin talagang magresearch. Parang bumili ka ng ST. Bernard na aso na patitirahin mo sa apartment. No Pwede.
Nagreresearch kaba? Tingnan mo muna kung anu ang mga isdang pwedeng pag samahin. Meron akong nabasa na yung  Php 1,500 na isda binubully ng php20 na isda. Hindi maganda ang hindi magresearch bago bumili ng isda, isa pa pagnilagay mo ang isda sa aquarium mahirap na itong hulihin lalo na kung napakalaki ng tank.

No comments:

Post a Comment