Kung nabasa nyo yung una kung sinulat, marami akong nabililing fish tank ilang beses ako nag set up ng bagong aquarium (MTS). Una sa lahat set up muna natin yung bagong tank, pero syempre dapat dun sa plano nyong paglalagyan dahil mabigat na pagmay tubig, syempre wag kalimutan ang pag cycle ng tank, at least 14 days bago mo ilipat mga isda. Ang mahirap ay yung ilipat yung buhangin pero wala tayong choice ang buhay ng isda mo oh ang buhanginn sa lumang tank? Maari naman tayo bumili nalang mura lang naman makakabili ka Php350 isang sako ng 10 kilos na aquarium sand, mahirap kasi pag basta basta mo nalang ililipat yung isda kasi stress yun sa kanila, at maari mamatay.
Ang ginagawa ko, kumukuha ako at least ¼ ng tubig galling sa lumang aquarium at nilalagay ko sa bagong tank pagkaset up ko. Makakatulong ang tubig na galling sa lumang tank na makakakuha ng Bacteria na nakakatulong sa magandang kondisyon ng tubig at sa bago nilang tirahan at para hindi masyado magkaroon ng shock ang mga isda. Dapat din tandaan na ang temperatura ng tubig sa bagong tank ay kapareho sa lumang tang bago maglipat, kailangan mo ng aquarium thermometer.
Makalipas ang ilang araw, nililipat na rin yung ibang isda base sa laki nito, wag muna lahatin paunti unti lang. maghintay ulit ng ilang araw bago maglipat ng iba pang isda. Depende din ito kung ilang isda meron ka sa dating tank.
Nung nilipat ko yung isda ko from the 50 gal pond, sa bago kung 140 gallon, dinahan dahan ko lang nasa 24 african cichlids ang isda ko noon, pagkatapos ko ma cycle yung tank nang 15 days, nilipat ko yung ibang isda, tapos ilang araw yung iba naman haggang sa natapos inabot ng 2 bwan para makompleto sila pero di ako nagkaroon ng problema.
By: Allan Rey Quintia

No comments:
Post a Comment